Saka Na Muna

*photo ctto*

🍂 Sino bang ayaw makarating sa ganitong lugar?
Ako, gusto ko rin.
Umalis at maglakbay.
Mag-isa man o kasama ang barkada o pamilya.
Uminom ng walang sawa,
Lumangoy hanggang ang lakas ay maupos.
Kumanta hanggang mapaos.
Mag-enjoy.

Pero hindi pa kaya.
Mas importante ang pang-upa,
at pagkaen sa lamesa.
Ako ang inaasahan ng pamilya,
Pero pasasaan din ba, mararating din kita.
Para sa pangarap, para sa pamilya,
Saka na muna!